![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgAuAJs6Tb-kcLizR4xlVXVPYDdu3FpicnWQptvd1LkRrQIT1gPxfuzLui6Bj6Ir0GUFkhu9atKN96UxIC9RZm10hOifX2Kja0A1l_ikf8I_cpw6qV9tNHIsIhbRFMKziffMzaAT68gYi9D/s640/100_7280_Perfect365.jpg) |
Charlene Mae P. Saltiban | | | | |
|
Nick Name: Charlene
Age: 18
Live: Brgy. Villa rosenda, Talugtug Nueva Ecija
Favorite color: Orange
Favorite movie: Harry Potter
Favorite food: Pinakbet & Chapsuy
Studied: Central Luzon State University (CLSU)
Course & Section: BSBA - Econ2
Major: Economics
Ilang Ulit Na Ba?
Ilang ulit na bang ang puso'y umibig?
Ilang ulit na bang tumibok ang dibdib?
Ilang ulit na bang pilit na nilulupig
itong damdaming sa pag-ibig ay tigib?
Ilang ulit na bang pagsinta'y bumukal?
Ilang ulit na bang kusang nagmahal?
Ilang ulit na bang puso ay umusal
nang wagas at tapat na pagmamahal?
Ilang ulit na bang nawasak ang pusò?
Ilang ulit na bang ito ay nabigô?
Ilang ulit na bang tibok ay humintò
sa isang pagtatanging nagsusumamò?
Ilang ulit na bang puso'y may itinangì?
Ilang ulit na bang ito ay nagpunyagì?
Ilang ulit na bang pag-ibig ay nagwagì
at ang mga ngiti sa labi'y namalagì?
Ilang ulit na bang pag-ibig ay nagantihan?
Ilang ulit na bang ito ay nasuklian?
Ilang ulit na bang ang pagmamahalan
ay para bang wala na itong katapusan?
Ang tunay na pagsinta'y walang alintanà,
Magwagi, matuwà, mabigo o magluksà;
Ito ang katotohanang sa lahat ay 'tinakdà,
Ang PAG-IBIG ay... mananatiling dakilâ!
-oOo-
Ikaw ang dahilan
ni Francis Marilao
Ikaw ang dahilan ng aking pakikipagsapalaran
hindi ko nais na ikaw ay iwanan
kahit na ako'y nangibang-bayan
ang puso ko’y sa iyo nakalaan
Isang kahangalan ang sabi ng ilan
walang utang na loob kanilang ibinibintang
ngunit kung ako'y iyong pakikinggan
damdamin ko'y lubos na mauunawaan
Pamilya ko'y aking nilisan
hindi upang sila'y talikuran
bagkus maging kanilang sandigan
sa pagharap sa iyong may pagkukulang
Ikaw ang dahilan kung bakit lumisan
dahil sa pagbabalik ko'y ikaw'y nais paglingkuran
maging bahagi sa iyong tahanan
dahil ito ang aking inaasam
Hindi mo ako kailangang sumbatan
'pagkat desisyon ko itong aking paglisan
masakit man sa aking kalooban
ikaw kasi ang aking dahilan
Ngayong ako'y naririto
bigyan mo naman ako ng respeto
dolyares na pinapadala ko
hindi naman pinupulot dito
Nais kong malaman mo
na dito sa aking puso
ikaw pa rin ang babalikan ko
sa tamang panahon ito'y aking pangako
Sa aking pagbabalik, ito ang aking inaasahan
muling pagtanggap sa aking mayamang isipan
na hinubog ng pangingibang bayan
laan para sa iyo 'pagkat ikaw ang dahilan
Ikaw, ikaw na aking inang bayan
Nakakalungkot isipin
napakahirap tanggapin
na maging dayuhan sa ibang lupain
ngunit ito ay aking kakayanin
dahil ikaw ang dahilan ng aking saloobin.
Comment:
Ang tulang "Ilang Ulit Na Ba?" at "Ikaw ang Dahilan" ni Francis Marilao isa sa mga pinaka paborito kung tula, dahil naapreciate ko at talagang naiyak ako rito. Because it is all about my Family. Isa akong ng OFW. Both of them are in the U.A.E. Isa rin ako sa dahilan kung bakit sila nangibambansa for my future and my brother.
Yan ang laging nasa isip ko!